33 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

Iriga: Manggagawa sa industriya ng asukal sa Camarines Sur na pansamantalang nawalan ng trabaho nabigyan ng Emergency Employment

- Advertisement -

Mga Sugar Worker o mga nagtatanim sa industriya ng asukal sa lalawigan ng Camarines Sur na umabot 1, 679 ang pansamantalang nawalan ng trabaho ang nabigyan ng emergency employment sa TUPAD Program o Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers ng Department of Labor and Employment (DOLE) Bicol, sa pamamagitan ng Camarines Sur Provincial Field Office at partnership sa District Tripartite Council (DTC).

Kung saan ang bawat isa ay tatanggap ng P365 kada araw batay sa minimum na arawang sahod sa Bicol Region o kabuuang P3, 650 na katumbas ng sampung araw ng trabaho sa pagkumpleto ng kanilang mga gawain at iba pang mga kinakailangan sa dokumentaryo sa tinatawag na “Tubuhan Ating Linisin at Paglinangin upang Asukal ‘di Kulangin”. Ang pansamantalang trabahong ito ay makatutulong nang malaki sa ikabubuhay ng kanilang mga pangunahing pangangailangan na kung saan sabay-sabay na isinagawa ang oryentasyon sa Baao, Bula, Ocampo, Pili, Sagñay, Tigaon, Minalabac at Naga City. (JV Navarro Verdeflor Jr., photo credits to the owner)

(Source: Bicol News)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -