31.1 C
Manila
Wednesday, February 21, 2024

Iriga: Malaking deposito ng volcanic materials mula sa Bulkang Mayon, mahigpit na binabantayan

- Advertisement -

Legazpi City – Sa kabila ng pagbaba ng status ng bulkang Mayon sa alert level 2, inaabisuhan pa rin ngayon ng Pamahalaang Lokal ng Albay ang publiko na maging alerto at manatiling nakatutok sa anumang abiso mula sa mga concerned agencies.

Maliban kasi sa posibilidad na pagpapakita pa rin ng abnormalidad ng bulkan Mayon sa ilalim ng alert level 2 (moderate level of unrest), malaki rin ang banta ng posibleng lahar sa mga lugar sa palibot nito.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), may banta pa rin ng posibleng biglaang pagsabog ng bulkan, rockfalls at landslide kaya mahigpit pa rin na ipinagbabawal ang pagpasok o anumang aktibidad sa loob ng six-kilometer radius Permanent Danger Zone (PDZ).

Inaasahan rin ang channel-confined lahars at sediment-laden streamflows sa mga river channels kung saan naitala ang mga pyroclastic density currents o PDCs deposits.

Tinatayang aabot sa 49 million cubic meters ang depositong naipon sa nakalipas na anim na buwang pag-aalburuto ng bulkang Mayon na maaaring ibuhos sakaling makaranas ang Albay ng malalakas na pag-ulan o sama ng panahon.

Dahil dito, pinapaalalahanan ang mga residenteng na umiwas sa mga lugar na ito lalo na sa mga ilog o river channels malapit sa Mi-isi, Bonga at Basud Gullies.

Sa latest data mula sa Albay Public Safety and Emergency Management Office (APSEMO), kung makaranas ng malakas na mga pag-ulan, posibleng maapektuhan nito ang aabot sa 35,200 na mga pamilya o katumbas ng 132,933 na mga indibidwal. Ang at-risk population na ito ay mula sa 112 mga barangay ng 11 local government units (LGUs), kabilang na ang Sto. Domingo (3 barangays), Bacacay , Malilipot (7), Tabaco City (13), Malinao (17), Daraga (9), Camalig (21), Legazpi City (15), Ligao (6), Guinobatan (7), at Libon (6).

(Source: PHIVOLCS Albay)

 

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -