Iriga: Mahigit P30.1M halaga ng interbensyon naipamahagi ng DA Bicol bilang parte ng Handog Pangulo

0
3

𝗠𝗮𝗵𝗶𝗴𝗶𝘁 𝗣𝟯𝟬.𝟭𝗠 𝗵𝗮𝗹𝗮𝗴𝗮 𝗻𝗴 𝗶𝗻𝘁𝗲𝗿𝗯𝗲𝗻𝘀𝘆𝗼𝗻 𝗻𝗮𝗶𝗽𝗮𝗺𝗮𝗵𝗮𝗴𝗶 𝗻𝗴 𝗗𝗔 𝗕𝗶𝗰𝗼𝗹 𝗯𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗿𝘁𝗲 𝗻𝗴 𝗛𝗮𝗻𝗱𝗼𝗴 𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗻𝗴𝘂𝗹𝗼

SAN AGUSTIN, PILI, CAMARINES SUR – May kabuuang halagang P30,183,931.00 ang mga interbensyon na naipamahagi ng Department of Agriculture – Bicol sa anim ng probinsya ng Bicol bilang parte ng Handog Pangulo Serbiyong Sapat para sa Lahat noong ika-13 ng Setyembre.

Samantala, ang Kadiwa ng Pangulo na nagtampok ang mga exhibitors mula sa DA, DTI, DSWD, DAR, BFAR at mga provincial Local Government Units sa anim na probinsya ay nakalikom ng P1,614,969.72 sales habang umabot naman sa 3,000 Bicolano ang nakabili ng tig-10 kilong Benteng Bigas (P20 Rice). Sa kalahatan 600 bags NFA rice na may kabuuang halagang P600,000 ang naibenta sa buong rehiyon sa araw ng kaarawan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.

Source: Department of Agriculture

Leave a Reply