Umabot na sa 107, 031 na mga pamilya o katumbas ng 373,271 na mga indibidwal ang inilikas mula sa iba’t-ibang mga lungsod at bayan sa Albay dahil sa banta ni Super typhoon Pepito.
Sa latest evacuation report mula sa Albay Public Safety and Emergency Management Office (APSEMO), nakatalaga na ang nasabing mga pamilya na kanya-kanyang mga ligtas na evacuation centers sa buong lalawigan.
Inaasahan na madadagdagan pa ito dahil sa nagpapatuloy na force evacuation na ipinatutupad ngayon sa bawat Lokal na pamahalaan bago ang inaasahang direktang pagtama ng bagyo sa Albay.
Simula kahapon, araw ng Biyernes ng magsimula ang pagpapalikas sa mga residenteng nakatira sa mga lugar na may banta ng baha, landslide, storm surge, lahar flow, mud flow, flash floods, at mga nakatira sa mga bahay na gawa sa light materials.
(Source: Albay PIO)
