29.8 C
Manila
Thursday, March 28, 2024

Iriga: Magkaibigan, arestado sa isinagawang anti-illegal drugs operation ng Baao PNP

- Advertisement -

Huli ang magkaibigan na sina alyas “Chanchan”, 22 taong gulang at ang kaniyang kaibigan na si alyas “JP”, 22 taong gulang, parehong taga Brgy La Medalla Baao Camarines Sur sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Sagrada, Baao Camarines Sur nitong ika -3 ng Pebrero 2023.

Bandang alas 11:50 ng hatinggabi ng Pebrero 3, 2023, ikinasa ng pinagsanib na pwersa ng Municipal Drug Enforcement Unit (MDEU) ng Baao Municipal Police Station sa pangunguna ni PMAJ. DIVINO JOHN B. PELEA, OIC at mga operatiba ng Camarines Sur 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC), sa direktang pakikipag-ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 5, ang anti-illegal drugs operation (Buy-Bust Operation) sa Barangay Sagrada Baao Camarines Sur na humantong sa matagumpay na pagkakahuli kay alyas “Chanchan”, 22 taong gulang, residente ng Brgy La Medalla Baao Camarines Sur, matapos na ito ay mapagbilhan ng isang (1) pirasong plastic sachet na may lamang pinaghihinalaang shabu kapalit ng Php 500.00 peso bill mula sa isang pulis na nagsilbing poseur buyer.

Sa isinagawang pagsiyasat sa katawan ni alyas “Chanchan” na sinaksihan ng mga mandatory witnesses, nakumpiska sa kanya ang limang (5) pirasong plastic sachet na may lamang pinaghihinalaang shabu, at isang (1) pirasong 500-peso bill na nagsilbing buy-bust money.

Samantala, nakumpiska din sa kanyang kasama na si alyas “JP” ang tatlong (3) pirasong plastic sachet na may lamang pinaghihinalaang shabu.

Ang mga nakumpiskang pinaghihinalaang illegal na droga mula sa mga suspek ay tinatayang nasa 7.0 gramo na nagkakahalaga ng humigit kumulang sa apatnaput-pitong libo at anim na raang piso P47, 600.00.

Ang mga arestadong suspek ay binasahan ng kanilang mga karapatang pantao na naayon sa Saligang Batas sa harap mismo ng mga nakuhang mandatoryong saksi galing sa barangay at Media.

Sa kasalukuyan, ang mga nakumpiskang ebidensya ay nasa pangangalaga na ng Baao Municipal Police Station habang inihahanda na ang kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 laban sa mga arestadong suspek. (Jv Navarro Verdeflor Jr. via Baao MPS)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -