Iriga: Mag-amang Villafuerte sa Camsur pormal nang magsumite ng Certificate of Candidacy

0
11

Sinalubong ng mga taga-suporta nang pormal nang magsumite ng certificate of candidacy ang Team One CAMSUR sa opisina ng Comission on Elections ngayong Martes sa Capitol Complex Pili, Camarines Sur.

Mula 2nd District, nagbabalik bilang gobernador ng probinsya si Representative Lray Villafuerte. Papalit sa kanya sa kongreso si incumbent Governor Luigi Villafuerte.

Naghain na rin ng kanyang COC si Nonoy Magtuto bilang kongresista ng ikatlong distrito habang ang aktor na si Marco Gumabao ang pambato sa ikaapat o Partido District.

Mananatili naman sa ikalimang distrito o Rinconada District si incumbent Representative Migz Villafuerte sa kanyang ikalawang termino at si 1st District Representative Hori Horibata.

Nasa ilalim ng National Unity party ang linyada ng mga naghain ng COC sa Team One CAMSUR ngayong araw.

Aabangan ang iba pang maghahain ng COC sa Camarines Sur hanggang Oktubre 8.

Source: Camsur News

 

Leave a Reply