Monday, June 24, 2024

Iriga: LTO walang dagdag gastos sa pag-renew ng mga lisensya

- Advertisement -

Lininaw ng Land Transportation Office (LTO) na walang karagdagang gastos ang pag-renew ng mga lisensya at libre lamang ang mga learning materials at evaluation test sa ilalim ng Comprehensive Driver’s Education Program (CDE).

Visit RPN DZKI Iriga

Sinabi ni LTO Chief and Assistant Transportation Secretary Edgar Galvante na sa ilalim ng bagong patakaran, ang mga driver na magre-renew ng kanilang mga lisensya ay kailangang pag-aralan ang CDE modules “intend to retool our drivers with the [goal] of keeping the road safe for everyone.”

Ang mga driver ay kailangang kumuha at pumasa sa isang 25-question evaluation test para makuha ang kanilang CDE certificate of completion, na ngayon ay kinakailangan para sa pag-renew ng lisensya.

Ngunit nilinaw ng LTO na ang CDE materials, kabilang ang learning modules, limang oras na programa ng video at slide presentations at ang evaluation test, ay maaaring ma-access nang libre sa portal ng LTO Land Transportation Management System sa pamamagitan ng portal@lto.gov.ph. Nag-aalok din ang mga field office ng LTO ng mga libreng in-person CDE seminar at pagsusulit.

(Source: Bicol News)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -