Iriga: “Ligtas Tigdas 2026” MR-SIA Campaign, inilunsad sa Sorsogon

0
4

Pormal na inilunsad ngayong Agosto 4 ang 2026 Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR-SIA) o “Ligtas Tigdas 2026” sa lalawigan ng Sorsogon sa pangunguna ng Department of Health (DOH), Provincial Health Office (PHO), at mga katuwang na ahensya.

Dinaluhan ang kick-off program ng mga kinatawan mula sa DOH Bicol Center for Health Development, Pamahalaang Panlalawigan ng Sorsogon, Pamahalaang Lungsod ng Sorsogon, Department of the Interior and Local Government, Philippine National Police, mga medical societies, health workers, at iba pang partner agencies upang ipakita ang kanilang suporta sa kampanya laban sa tigdas at rubella.

Tampok sa programa ang ceremonial launch ng kampanya kontra tigdas, ceremonial vaccination at Vitamin A administration, gayundin ang panawagan ng mga partner agencies para sa kooperasyon at pakikiisa ng mga magulang sa isinusulong na pagbabakuna upang maprotektahan ang kalusugan ng mga bata edad 0-59 buwang gulang laban sa mga sakit na maiiwasan sa pamamagitan ng bakuna.

Sa temang “Sama-Samang Hakbang para sa Batang Protektado,” muling binigyang-diin ang kahalagahan ng pagtutulungan ng pamahalaan, health workers, at komunidad upang matiyak ang mas ligtas at mas malusog na kinabukasan para sa bawat batang Sorsoganon.

Source: Sorsogon PIO

Leave a Reply