Saturday, May 11, 2024

Iriga: ‘Ligtas SumVac 2024’ ilulunsad ng PNP Bicol

- Advertisement -

Nakatakdang ilunsad ng Philippine National Police (PNP) Bicol ang “Ligtas SumVac 2024” bunsod na rin ng inaasahang dagsa ng mga tao ngayong summer season.

Layunin nito na upang matiyak na ligtas ang mga byahero at turista na pupunta sa mga pasyalan sa rehiyon.

Kaugnay nito, paiigtingin ng PNP Bicol ang mga checkpoints operations at ang pagsasagawa ng regular na inspeksyon at mobile patrols sa mga matataong lugar tulad ng mga terminal, pantalan, paliparan at iba pang transport hubs.

Upang magbigay paalala at gabay sa mga byahero, maglalatag ang PNP Bicol ng mga Assistance Hubs (AHs) at Police Assistance Desks (PADs) kasabay ang pagsasagawa ng mobile at foot patrol ng mga personahe ng PNP sa rehiyon.

Makikipag-ugnayan din ang komandansya sa mga Local Government Units (LGUs), iba pang-law enforcement agencies, private security providers at mga force multipliers upang maiwasang makapagtala ng untoward incidents.

(Emman Lumapag)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -