Iriga: Lasing na lalaki sa Naga, CamSur patay matapos malunod

0
23

Patay ang isang lalaki matapos umanong tumalon sa Mabolo Bridge sa Barangay Mabolo Naga City nitong Abril 6, 2024.

Sa imbestigasyon ng Naga City Police Office, lasing ang 28-anyos na biktima nang tumalon ito sa tulay.

Nakita pa umano itong lumalangoy subalit dahil sa kalasingan ay pinaniniwalaang nalunod.

Agad ding narekober ang katawan ng biktima na wala nang buhay matapos isagawa ang Search and Rescue Operation ng Philippine Coast Guard (PCG) sa lugar. (Emman Lumapag)

Leave a Reply