Friday, May 10, 2024

Iriga: Lalaking may Warrant of Arrest sa kasong R.A 9262, arestado

- Advertisement -

Arestado ang isang lalaki na may Warrant of Arrest sa kasong sec. 5(i) ng R.A 9262 sa isinagawang Manhunt Operation ng Baao Municipal Police Station sa Barangay San Ramon , Baao , Camarines Sur nito lamang 9:15 AM, May 22, 2023.

Kinilala ni PMAJ DENNIS G QUINDARA, Officer-In-Charge ng Baao Municipal Police Station ang suspek sa alyas “Don ”, 34 taong gulang, may asawa, at  resedente ng Brgy. San Isidro, Baao, Camarines Sur.

Ang suspek ay naaresto sa isang Warrant of Arrest sa ilalim ng Criminal Case Number 2017- 0935 sa kasong R.A 9262 na pinalabas ng RTC Br 28, 5th Judicial Region Naga City na may nirekomendang pyansa sa halagang 24,000.00. sa pansamantalang kalayaan.

Ang Baao PNP ay hindi titigil sa paghuli sa mga taong nagtatago sa batas lalung-lalo na sa mga taong yumurak at lumapastangan sa karapatan ng kababaihan. (Jv Navarro Verdeflor Jr. via Baao MPS Csppo)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -