Iriga: Lalaking kabilang sa Street Level Individual on illegal drugs, arestado sa buy-bust operation ng Naga City PNP

0
11

Arestado ang isang lalaki na kabilang sa listahan ng Street Level Individual on Illegal Drugs sa isinagawang buy-bust operation ng pinagsamang mga operatiba ng Naga City PNP sa Zone 2, Sta. Cruz Proper, Barangay Sta. Cruz, Naga City

Kinilala ni PMAJ. REY M. ALVAREZ, Station Commander, Police Station 1 ng Naga City Police Office ang naarestong suspek na si Felix B. Friginal Jr., 42, may asawa at residente ng Zone 2, Barangay Manapao, Minalabac, Camarines Sur.

Naaresto ang suspek bandang 11:25 ng gabi ng pinagsanib na mga operatiba ng Naga City Police Station 1, Naga City Intelligence Unit at Naga City Police Drug Enforcement Unit sa pakikipag-ugnayan sa PDEA RO5.

Nakumpiska mula sa suspek ang tatlong (3) na piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 1.5 na gramo at may street value na Php10,200.

Mahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ang matagumpay na operasyon ay bunga ng walang tigil at mas pinaigting na kampanya ng Naga City PNP kontra ilegal na droga upang mapanatili ang kaayusan at gawing drug free ang lungsod mula sa ipinagbabawal na gamot. (Jv Navarro Verdeflor Jr. via Source PNP Naga NCPO, photo credits to the owner)

Leave a Reply