Iriga: Lalaking inanod sa spillway sa Pili, Camarines Sur, natagpuan na

0
1

Natagpuan na ang katawan ni Eddie Tanudra, ang inanod at nalunod sa spillway sa Sitio Caboclodan, San Jose, Pili, Camarines Sur.

Nitong Enero 19, naiulat na nawawala ang biktima matapos umano nitong subukang tumawid sa nasabing spillway.

Enero 20, sa pagtutulungan ng BFP, MDRRMO, PNP, 9ID Philippine Army (PA), Philippine Coast Guard (PCG), EDMERO Province, Barangay Tanod ng San Jose at iba pang volunteers, agad ding natagpuan ang bangkay ng biktima.

Paalala ng awtoridad ngayong maulan, huwag magpumilit na tumawid sa mga spillway lalo na kung mataas na ang tubig. Maaari namang tumawag sa kanilang tanggapan kung kailangan ng tulong. (Jv Navarro Verdeflor Jr. via BFP R5 Pili)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here