Sunday, May 12, 2024

Iriga: Klinika para sa mga kawani ng DOH Bicol, bukas na

- Advertisement -

Bukas na para sa mga kawani ng Department of Health Bicol Center of Health Development (DOH Bicol) ang Occupational Safety and Health (OSH) wellness Clinic nito na magbibigay ng iba’t-ibang health and wellness services.

Isinagawa ang inauguration at blessing ceremony ng nasabing clinic nitong Marso 1, 2024.

Layon nito na panatilihing malusog ang mga empleyado at magtatag ng “Good Health Seeking Behavior” sa opisina.

Ang DOH Bicol OSH Clinic ay isang hybrid typical na medical clinic na magbibigay ng libreng medical consultation, gamot at mga basic medical procedures sa mga empleyado nito.

Binigyang diin ni Dr. Monrey Isaiah Mancilla, Head ng Non-Communicable Disease Prevention at Control Cluster at Health Promotions Unit, na ang OSH Clinic ay isang wellness center o “hingahan space” kung saan pwedeng magpahinga o magpakonsulta ang mga empleyado – may sakit man o wala.

Sa pamamagitan ng OSH clinic, mas mapapalawak pa ang adbokasiya sa pagbibigay kaalaman sa mga empleyado na maging physically, mentally at socially healthy upang matamo ang optimum health sa trabaho.

Hangad ng DOH Bicol na maging halimbawa ang OSH Wellness Clinic nito sa ibang government agencies upang makapag set-up ng sarili nilang clinic na naka-angkla sa Joint Memorandum Circular No. 1, s. 2020 ng DOH, Civil Service Commission at Department of Labor and Employment.

(Emman Lumapag)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -