28.5 C
Manila
Wednesday, April 17, 2024

Baguio: Gawaing kuminidad isinagawa ng La Trinidad Municipal Police Station sa panahon noong Palarong Probinsiyal sa Benguet

- Advertisement -

La Trinidad, Benguet – Ikinatuwa ng mga mamamayan ng La Trinidad ang ginawa ng kapulisan ng La Trinidad Municipal Police Station (MPS) sa paghatid sa mga estudyante at manggagawa sa kanilang pupuntahan tulad ng sa Wangal Sports Complex sa Wangal, La Trinidad noong Marso 2 ng taong ito.

Ang pangyayaring ito ay ipinost ng isang netizen sa social media platform na nakatawag pansin sa mga madla. Dahil sa nasabing pangyayari, umani ng papuri ang driver ng La Trinidad police mobile na si Patrolman Kenneth C. Balanban.

Ayon sa mga netizen, naghihintay ng masasakyan ang mga estudyante at manggagawa na magpupunta sa Wangal Sports Complex noong Marso 2 ng taong ito noong mamataan sila ni Patrolman Balanban na naghihintay ng masasakyang jeepney.

Nakita ito ni Patrolman Balanban na pagkakataon upang magbigay ng serbisyo publiko sa mga naghihintay ng sasakyang pampubliko dahil na rin sa kawalan ng jeepney dahil na rin sa matinding traffic, agad nitong inalok ang kanyang patrol vehicle na maihatid sila sa kanilang patutunguhan.

Dahil sa ginawa ng naturang pulis, umani ito ng pagpuri sa mga mamamayan ng La Trinidad at ito ang pagpapatunay na ang mga kapulisan ng PRO Cordillera ay laging handa na magsilbi sa publiko. (Jimmy Bernabe | Joel Cervantes)

(Source: La Trinidad MPS)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -