Itinanghal si Vienna Millena mula sa bayan ng Malilipot bilang Miss Governor’s Cup 2026 kasabay ng pormal na pagbubukas ng Albay Inter-Town Governor’s Cup nitong ika-11 ng Hulyo, sa Albay Astrodome.
Ang Search for Miss Governor’s Cup ay isa sa mga pinaka-inaabangan sa pag-uumpisa ng torneo na pinangunahan ng Provincial Youth Development Office (PYDO).
Nasungkit ni Millena ang pinakamataas na titulo kalakip ang korona, sash, sertipiko, at cash prize na nagkakahalaga ng Php 15,000.
Nasungkit naman ni Andrea Faustina T. Triguero mula sa Pio Duran ang Miss Governor’s Cup 2026 1st runner at nakatanggap ito ng korona, sash, sertipiko, at Php 10,000 cash prize.
Si Ziena A. Guinoo naman mula sa Ligao City ang itinanghal na Miss Governor’s Cup 2026 2nd Runner up at nag-uwi ng korona, sash, sertipiko, at Php 7,000 cash prize.
Nagkaloob din ang pamahalaang lokal ng Php 3,000 bilang consolation prize para sa lahat ng mga kalahok na LGU na hindi pinalad na makapasok sa top 3 bilang pagkilala sa kanilang partisipasyon.
Source: Albay PIO
