29 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

Iriga: Kauna-unahang Learning Recovery Plan (LRP) sa bansa, inilunsad ng DEPED Bicol

- Advertisement -

Ipapatupad ng Department of Education Bicol ang tatlong taon na Learning Recovery Plan sa 13 school division ng rehiyon na magsisimula sa darating na school year 2022-2023.

Ayon kay DepEd Regional Director Gilbert Sadsad, ang Bicol ang may pinakaunang LRP sa bansa na pinag-isipan at plinano simula Pebrero hanggang Hulyo nito lamang taon, at pormal na iprinisinta sa 13 Divisions nitong ika-2 ng Mayo.

Ginawa umano ang LRP upang walang mapag iwanan na mag-aaral lalo na ang mga vulnerable group na grade 1 hanggang grade 3. Adhikain nito na marecover ng mga bata ang mga nawalang karunungan at kasanayan sa nakalipas na dalawang taon na dulot ng pandemya.

Prayoridad rin ng LRP na alamin ang estado ng apat na mahalagang parte ng programa: curriculum, assessment & instruction; academic support; teacher development; at budget.

Umaasa ang DepEd Region V na pagkatapos ng tatlong taon ay handa na ang lahat na magaaral sa mga regular na asignatura.

Bilang paghahanda sa implementasyon nito ay magkakaroon ng Regional Training of Trainers o RTOT ang mga guro na sasabak sa LRP simula Hunyo hanggang Agosto 2022.

Ang nasabing programa ay napondohan ng United States Agency for International Development (USAID)

Source: Bicol PH

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -