Iriga: Kauna-unahang Green Banner Seal of Compliance Award for Nutrition, natanggap ng Albay

0
11
photo courtesy of Albay PIO

Natanggap ng Pamahalaang Lokal ng Albay ang kauna-unahang Green Banner Seal of Compliance Award sa katatapos lamang na 2024 Regional Nutrition Awarding Ceremony sa Lungsod ng Legazpi.

Ayon kay Provincial Nutrition Program Coordinator, Nutritionist-Dietitian III, Roan Mae Ofalsa, lubos ang kanilang pasasalamat sa lahat ng tumulong para makamit ang inaasam na titulo.

“This is not just an achievement of the Provincial Health Office, yung nangyari pong evaluation, lahat ng offices natin particularly PPDO, PBO, APSEMO, PSWDO, APAO, DILG – Albay, DepEd – Albay, PAccO, naging close yung coordination natin sa mga ito, sobrang thorough yung monitoring and evaluation, and sa kanila kami sumangguni when it comes to supporting documents sa implementation ng nutrition programs,” saad ni Ofalsa.

Asahan pa aniya ang mas pina-igting na mga programa para malabanan ang paglobo ng malnutrisyon sa lalawigan.

“Tuloy tayo, mayroon tayong Provincial Nutrition Action Plan, every year yun ina-update, it is anchored sa Philippine Plan of Action for Nutrition as well as sa RPAN, may iba’t iba tayong nutrition-specific, nutrition sensitive and enabling programs para sa mga Albayano, this year nagsisimula na ulit yung ating Karendirya Supplementalary Feeding Program na kini-cater ang undernourished children, as well as nutritionally at-risk pregnant and lactating mothers,” dagdag pa ng opisyal.

(Source: Albay PIO)

Leave a Reply