27.2 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Iriga: Isang miyebro ng CTG, patay sa engkwentro sa Ligao City

- Advertisement -

Patay ang isang miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) matapos makaengkwentro ang mga awtoridad sa Brgy. Busac, Ligao City, Albay, umaga nitong Mayo 24, 2023.

Sa ulat, nakatanggap ng impormasyon ang awtoridad sa umano’y presensya ng rebeldeng grupo sa lugar kaya’t agad itong nagsagawa ng operasyon.

Dito na nakasagupa ng mga sundalo ang mga rebelde na tumagal ng halos limang minuto.

Nasawi sa engkwentro ang isang miyembro ng CTG na kinilalang si Ka “Roy”, kabilang sa Platoon 2, Komiteng Larangan Gerila Uno ng Sub-Regional Committee 5 sa ilalim ng Bicol Regional Party Committee.

Wala namang naiulat na nasaktan o nasawi sa hanay ng mga sundalo.

Narekober din ng awtoridad ang mga armas ng nasabing grupo kabilang na ang mga baril, bala at pampasabog.

Samantala, patuloy na hinihikayat ng gobyerno na magbalik-loob na ang mga rebelde upang mabigyan sila ng pagkakataon na magkaroon ng mapayapa at bagong buhay kasama ang kanilang mga pamilya.  (Jv Navarro Verdeflor Jr. via 9th ID Pili, Camarines Sur, photos credits to the owners)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -