Iriga: Governor Boboy Hamor, nagsagawa ng Serye ng Pagbisita sa anim na himpilan ng Pulisya sa Lalawigan

    0
    0

    Maagang sinimulan ni Governor Boboy Hamor ngayong araw ang sunod sunod na pagbisita sa anim na Municipal Police Stations sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan bilang bahagi ng kanyang patuloy na pagtutok sa pagpapanatili ng peace and orders sa probinsiya.

    Bandang alas-5:11 ng madaling araw nang unang dumating ang gobernador sa Donsol Municipal Police Station kung saan personal niyang inalam ang kasalukuyang sitwasyon ng peace and order sa bayan gayundin ang paghahanda ng mga pulis sa iba’t ibang usapin sa seguridad at kaligtasan lalo na ngayong malapit na ang pasukan.

    Mula Donsol ay nagtuloy-tuloy ang pagbisita ni Governor Boboy sa iba pang himpilan ng pulisya sa lalawigan sa sumusunod na schedule:

    * Pilar Municipal Police Station – 6:15 AM

    * Castilla Municipal Police Station – 7:44 AM

    * Sorsogon City Police Station – 9:33 AM

    * Casiguran Municipal Police Station – 10:43 AM

    * Juban Municipal Police Station – 11:15 AM

    Sa bawat police station na kanyang binisita, personal na nakinig ang gobernador sa situational report na ibinahahi ng bawat Chief of Police kaugnay ng peace and order condition, crime situation, police deployment, at iba pang hakbang upang mapanatiling ligtas ang kani-kanilang nasasakupan.

    Binigyang diin ni Governor Boboy ang kahalagahan ng maayos at mahigpit na pagpapatupad ng mga polisiya ng Philippine National Police upang mapanatili ang mababang crime rate sa lalawigan. Hinikayat din nito ang mga kapulisan na ipagpatuloy ang pagpapalakas ng police visibility lalo na sa mga barangay, pampublikong lugar at mga paaralan upang lalong maramdaman ng mga Sorsoganon ang presensya ng pamahalaan at ng mga alagad ng batas.

    Nagbahagi rin ng mga mungkahi at pananaw ang gobernador hinggil sa mga paraan upang higit pang mapahusay ang serbisyo at operasyon ng pulisya sa bawat bayan.

    Kasabay nito ay pinuri rin ni Governor Boboy ang pamumuno ni P/Col. Alex Daniel bilang Provincial Director ng Sorsogon Police Provincial Office dahil sa nakikita nitong positibong resulta sa peace and order situation ng lalawigan, partikular sa mababang crime rate sa mga bayan na kanyang binisita ngayong araw.

    Ayon pa sa gobernador, mahalaga para sa isang opisyal ng pamahalaan ang personal na pagpunta sa mga bayan at tanggapan upang makita mismo ang tunay na kalagayan sa ground. Aniya, hindi sapat ang

    mga ulat lamang dahil mas malinaw na nauunawaan ang sitwasyon kapag personal itong nasasaksihan at napapakinggan mula sa mga taong direktang nagtatrabaho sa lalawigan.

    Ipinakita rin ng naturang pagbisita ang patuloy na hands-on leadership ng gobernador sa pangangasiwa sa mga usaping may kaugnayan sa kapayapaan, kaayusan at kaligtasan ng bawat Sorsoganon.

    Source: Sorsogon PIO

    Leave a Reply