Iriga: Gob. Rosal inanunsyo ang planong Inter-Collegiate Governor’s Cup

0
6

Inanunsyo ni Albay Governor Noel E. Rosal ang planong paglulunsad ng Inter-Collegiate o Inter-School Governor’s Cup, isang inisyatibang naglalayong palawakin ang suporta sa mga student-athletes at mabigyan sila ng kasanayan upang mahasa ang kanilang kakayahan sa larangan ng palakasan.

Ibinahagi ng gobernador ang plano sa Opening Ceremony ng Albay Inter-Town Governor’s Cup 2026 nitong ika-11 ng Hulyo sa Albay Astrodome.

Ayon kay Rosal, mahalagang maipagpatuloy ang mga programang pampalakasan dahil nagsisilbi itong daan upang mapatatag ang pagkakaisa, camaraderie, at sportsmanship ng mga kabataang Albayano.

Samantala, nagpahayag naman ng suporta si Provincial Youth Development Office (PYDO) Officer-in-Charge Rhondon C. Ricafort, LPT, J.D. sa panukalang Inter-Collegiate Governor’s Cup, at tiniyak ang buong suporta ng kanilang opisina sa mga programang magbibigay ng mas maraming oportunidad sa mga kabataang Albayano.

Source: Albay PIO

Leave a Reply