Iriga: Gob. Rosa ipinag-utos ang agarang pamamahagi ng 600 sako ng bigas bilang augmentation sa mga LGUs

    0
    9

    Agarang ipinag-utos ni Albay Governor Noel Ebriega Rosal ang pamamahagi ng 600 na sako ng bigas sa mga local government units (LGUs).

    Ito ay kasunod ng ipinatupad na decampment order ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council – Albay Public Safety and Emergency Management Office (PDRRMC-APSEMO) ngayong araw dahil sa bumubuting lagay ng panahon sa lalawigan.

    Ang naturang suplay ay kabilang sa nauna nang naka-preposition sa Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) warehouse ng lalawigan, at sa NFA warehouse bago pa man ang paglapit ni Bagyong Opong sa lalawigan.

    Pagbibigay-diin ng opisyal ang nasabing asistensya ay parte ng augmentation efforts o karagdagang tulong ng lalawigan sa relief operations initiatives ng bawat LGUs.

    Source: Albay PIO

    Leave a Reply