Iriga: Electrical connection nangungunang dahilan ng sunog sa Bicol – BFP

0
9
photo courtesy of BFP

Nangungunang pinagmumulan ng sunog sa Bicol region ang electrical connection, ayon sa Bureau of Fire Protection sa Bicol.

Sa datus ng BFP Bicol, aabot sa 217 insidente ng sunog ana nairehistro simula Enero hanggang Marso ngayong taon at karamihan sa mga ito, dahil sa pagpalya ng electrical circuits.

Pangalawang pinagmumulan ng sunog sa rehiyon ay mula sa napabayaang niluluto habang nagpangtatlo naman ang dahil sa napabayaang kandila o gasera na s’yang pinangmulan ng sunog.

Kaugnay nito, muling nananawagan ang ahensya sa mga bicolano na mag-doble ingat at alamin ang mga dapat gawin kung paano makaiwas sa sunog. (Emman Lumapag)

Leave a Reply