Pormal nang ibinigay ng Pamahalaang Lokal ng Albay, sa pamamagitan ni Governor Noel Ebriega Rosal, ang isang dump truck sa bayan ng Malilipot na personal na tinanggap ni Mayor Cenon Volante.
Ang naturang donasyon ay bahagi ng suporta ng PGA sa ilalim ng 10-Year Provincial Solid Waste Management Plan na layong palakasin ang solid waste management sa iba’t ibang bayan sa buong probinsya.
Ito ay upang mapahusay ang kanilang mga operasyon at paghahatid ng mahusay na mga environmental services sa kanilang komunidad.
Matatandaang una nang nakatanggap ang bayan ng Malinao ng kaparehong donasyon, patunay na prayoridad ang pagbibigay ng augmentation support sa mga LGUs upang tuloy-tuloy ang mga programa sa solid waste management.
Source: Albay PI
