Arestado ang isang 37-anyos na lalaki sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Pilar, Sorsogon nitong hapon ng Abril 26, 2026. Kinilala ang suspek na si Alyas “Brandon” na kabilang sa listahan ng drug personalities bilang street-level individual (SLI) sa nasabing bayan.
Sa operasyon na isinagawa ng Municipal Drug Enforcement Unit ng Pilar MPS sa koordinasyon ng PDEA ROV, nahuli ang suspek matapos magbenta ng hinihinalang shabu sa isang poseur buyer.
Nakumpiska mula sa kanya ang dalawang sachet ng pinaghihinalaang shabu na may tinatayang bigat na 0.156 gramo at halagang Php 1,060.80, kasama ang buy-bust money at iba pang personal na kagamitan.
Isinagawa ang marking at inventory ng mga ebidensya sa lugar ng insidente sa harap ng mga itinakdang saksi mula sa barangay at media. Dinala ang suspek sa Pilar MPS para sa kaukulang dokumentasyon at inihahanda na ang pagsasampa ng kaso laban sa kanya sa paglabag sa Sections 5 at 11 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Source: Sorsogon PPO
