Iriga: Drug-affected barangays sa Albay, nasa 40 na lamang

0
7
(Photo courtesy of Albay Provincial Information Office)

Nasa apatnapung (40) mga barangay na lamang sa Albay ang nananatiling drug-affected sa kasalukuyan.

Ito ang kinumpirma ni PDEA Provincial Officer Noe S. Briguel sa ginanap na pulong kahapon ng Provincial Peace and Order Council (PPOC) at Provincial Anti-Drug Abuse Council (PADAC).

Ayon kay Briguel, nasa 40 (5.56 %) na lamang ang bilang ng mga barangay na nasa klasipikasyon pa rin ng drug-affected barangays (DAB) base sa pinakahuling datos ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nitong Mayo, kung saan pinakamarami ang sa lungsod ng Ligao (12), Tabaco (9), at bayan ng Guinobatan (12).

Samantala, sa kasalukuyan aniya ay limangraan at pitongpu’t siyam (579) na ang drug cleared, at siyamnapu’t lima (95) naman ang nasa kategoryang drug free.

Dagdag pa ng opisyal, labing-isa (11) na ang naitatayong Balay Silangan sa buong lalawigan at umaasa aniya siya na madagdagan pa ang naturang bilang para sa tuluyang rehabilitation ng mga Persons Who Use Drugs (PWUDs).

(Source: PDEA Bicol/Albay PIO)

Leave a Reply