Iriga: 83 sambahayan sa Baao, Camarines Sur, nagtapos na sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program

0
17
(Photo courtesy of DSWD Field Office 5 - Bicol)

Ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng Baao ay nagpupugay sa masayang pagtatapos ng walumput’ tatlong (83) sambahayan na benepisyaryo ng 4Ps na ngayon ay matagumpay na hinarap ang mga hamon sa buhay at naiangat ang estado ng kanilang pamumuhay.

Kabilang sa kanilang mga tagumpay ang pagtatapos ng kanilang mga anak sa kolehiyo at pagkakaroon ng magandang trabaho, pag-angat ng kalidad ng edukasyon, pagpapabuti ng kalusugan, at pag-ahon mula sa “poor” patungo sa “non-poor” batay sa ginanap na Social Welfare and Development Indicator (SWDI) Validation.

Ang seremonya ay ginanap sa Brgy. San Nicolas, Baao, Camarines Sur noong Mayo 21, 2024. Ito’y dinaluhan ng iba’t ibang partner agencies na pinangunahan ni Municipal Mayor, Jeffrey S. Besinio.

Tiniyak ng alkalde na maglalaan ang Local Government Unit (LGU) ng mga livelihood program para sa mga nagtapos na benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

(Source: DSWD Field Office 5-Bicol)

Leave a Reply