30.9 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Iriga: DOH Bicol nakapagtala ng pitong panibagong kaso ng COVID- 19 sa buong rehiyon nitong nakalipas na lingo

- Advertisement -

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) Bicol ng pitong (7) panibagong kaso ng COVID 19 sa buong rehiyon nitong nakalipas na linggo.

Visit RPN DZKI Iriga

Batay sa pinakahuling tala ng ahensya, mula Mayo a-bente nwebe hanggang Hunyo a-kwatro, sa naturang bilang, ang apat (4) na kaso ay mula sa lalawigan ng Camarines Sur; dalawa (2) sa Sorsogon habang isang (1) kaso naman sa probinsya ng Albay.

Bunsod nito, pumalo na sa limamput siyam na libo isang raan tatlumput pito (59,137) ang bilang ng mga nagpositibo sa naturang sakit at sa kasalukuyan ay nasa tatlong raan pitumput isa (371) ang aktibong kaso.

Umabot naman sa apatnaput lima (45) ang bilang ng mga bagong gumaling sa COVID 19 dahilan para umakyat na sa limamput anim na libo isang raan walumput apat (56, 184) ang total recoveries sa buong kabikulan.

Samantala, nakapagtala naman ang ahensya ng apat (4) na casualties sa virus dahilan para sumampa na sa dalawang libo limang raan walumput dalawa (2,582) ang total deaths sa buong kabikulan.

(Source: DOH Bicol CHD)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -