Iriga: DOH Bicol nagpaalala sa sakit na diarrhea ngayong tag-init

0
31
Photo credits to the owner

Pinaalalahanan ng Department of Health (DOH) Bicol ang publiko laban sa sakit na diarrhea na maaaring makuha ngayong panahon ng tag-init.

Upang makaiwas sa diarrheal disease o pagtatae, sinabi ng ahensya na uminom ng ligtas at malinis na tubig inumin, kumain lamang ng mga pagkaing nalutong mabuti, takpan ang lahat ng pagkain upang hindi madapuan ng insekto, at ugaliing maghugas ng kamay bago at pagkatapos magluto ng pagkain.

Ilan sa mga sintomas ng sakit ay ang pagdumi ng malambot o matubig ng tatlong beses o higit pa sa isang araw.

Sinabi ng DOH Bicol na kapag nakakaramdam ng alinman sa mga nabanggit na sintomas, agad na makipag-ugnayan at magpakonsulta sa pinakamalapit na health facility sa inyong lugar.

Dagdag pa ng ahensya, pwedeng bigyan ang taong may diarrhea ng Oral Rehydration Solution (ORS), o painumin ng sabaw na walang mantika bilang agarang lunas sa sakit.

(Emman Lumapag)

Leave a Reply