27.7 C
Manila
Friday, February 23, 2024

Iriga: DOH Bicol CHD pinaiigting ang panawagan ukol sa pagpapabakuna ng mga senior citizens laban Influenza

- Advertisement -

Sa pagdating ng panahon ng trangkaso sa Rehiyong Bicol, ang Department of Health Bicol Center for Health Development (DOH Bicol CHD) ay nagsasagawa ng mas pinaigting na panawagan ukol sa pagpapabakuna laban sa Influenza.

Ang mga senior citizens ay kabilang sa vulnerable sectors ng komunidad, kung kaya’t kinakailangan ng matindi at palagiang pagbabantay sa kanilang kalusugan upang sila’y maprotektahan mula sa kahit anumang sakit, tulad ng trangkaso.

Alinsunod sa layuning ito, hinihikayat ng Kagawaran ang lahat ng mga senior citizens sa rehiyon na magpabakuna laban sa Influenza simula sa gagawing paglulunsad nito sa darating na Oktubre. Inaabisuhan ang lahat ng indigent senior citizens na maaaring magpabakuna ng libre laban sa trangkaso sa inyong Rural Health Units (RHU) sa unang linggo ng nasabing buwan. Maaari namang magpabakuna ang mga non-indigent senior citizens sa ikalawa hanggang ika-apat na linggo sa parehong lugar.

Maaari ding mabakunahan ang mga healthcare workers, mga buntis, mga indibidwal na may comorbidity, frontline service providers, tulad ng mga military personnel, at ibang healthy adults sa buwan ng Nobyembre, kapag mayroon pang suplay ng bakuna.

Para naman sa ibang institusyon, National Government Agencies (NGAs), at stakeholders, maaaring makipagugnayan sa kani–kaniyang Provincial o City Health Offices ukol sa influenza vaccination.

Bilang paglilinaw, ang pagbibigay prayoridad sa mga senior citizens ay nakabase sa mga indibidwal na high risk ang immune systems at mas nangangailangang indibidwal tulad ng may iba pang uri ng sakit.

Magkakaroon ng lingguhang paguulat ang mga health facilities na nabigyan ng suplay ng bakuna ukol sa isinasagawang flu vaccination drive sa kanya-kanyang lugar.

Matatandaang nauna nang nagkaroon ng paglulunsad ng flu vaccination drive sa Healthy Lifestyle Complex, DOH Bicol CHD, noong September 19, 2023, kung saan nabakunahan ang mga Senior Citizens, retired at kasalukuyang empleyado ng Bicol CHD, pati na rin ang kanilang mga kamag-anak.

Ang nasabing mga aktibidad ay kaugnay ng Republic Act No. 9994 o ng Expanded Senior Citizens Act of 2010, kung saan layunin ng Kagawaran ng Kalusugan na bigyan ng libreng influenza at pneumococcal vaccines ang mga senior citizens na namamalagi sa mga government-run at Department of Social Welfare and Development (DSWD) accredited na mga tirahan, pati na rin ang mga indigent senior citizens base sa National Household Targeting System (NHTS). Kaakibat din nito ang selebrasyon ng Elderly Filipino Week sa darating na unang linggo ng Oktubre bilang pagbibigay importansya sa sektor ng mga nakakatanda.

Ang Kagawaran ng Kalusugan ay may layunin na ilapit ang bakuna laban sa trangkaso at magkaroon ng mas malawak na pagunawa ukol sa influenza at benepisyo ng bakuna. Ito ay isang daan tungo sa isang malusog na desisyon para sa ating sarili, pamilya, at kapwa.

Sa muli, iniimbitahan ng Kagawaran ang mga senior citizens na makiisa, alamin, at  magpabakuna na para sa Healthy Pilipinas.

(Source: DOH Bicol Press Release)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -