Siniguro ng Department of Information and Communications Technology (DICT) Region V na mananatiling konektado ang Masbate Provincial Hospital matapos ikabit ang Low Earth Orbit (LEO) Satellite (Starlink) ngayong araw, ika-28 ng Setyembre 2025.
Layunin nito na suportahan ang pang-araw-araw na operasyon ng ospital, lalo na sa internal communications, records management, at mas mabilis na koordinasyon sa serbisyong medikal.
Sa pamamagitan ng maaasahang koneksyon sa internet, mas mapabibilis ang pagbibigay ng serbisyong medikal at mas mapapalakas ang kakayahan ng ospital na tugunan ang pangangailangan ng mga pasyente, lalo na matapos ang pinsalang iniwan ng bagyong #Opong sa probinsya ng Masbate.
Source: DICT Region V-Bicol
