25.3 C
Manila
Tuesday, February 27, 2024

Iriga: DICT Bicol tumanggap ng mga ekipahe para sa pagpapalakas ng telecom services at disaster response

- Advertisement -

Tumanggap ang Department of Information and Communications Technology (DICT) Bicol ng isang (1) response vehicle at limang (5) set ng VSAT equipment na may hard case at uninterrupted power supply (UPS) upang mas mapalakas pa ang kapasidad ng ahensya para sa disaster and emergency response.

Visit RPN DZKI Iriga

Ang naturang mga pasilidad ay bahagi ng Government Emergency Communications System-Mobile Operations Vehicle for Emergency (GECS-MOVE), isang deployable emergency communications system na naglalayong magbigay ng ICT-enabled support sa mga lugar na madalas tamaan ng kalamidad sa bansa.

Ayon kay DICT Undersecretary for Resilient Government Emergency Communications Alan A. Silor, sa panahon ng kalamidad ay handa na ang DICT.

Aniya, kadalasang  down ang serbisyo ng commercial communication kapag may kalamidad kung kaya’t kinakailangan ng pamahalaan na magbigay ng rapid response telecom services na magagamit sa panahon ng kamalidad.

Nabanggit din ni Silor na ang VSAT satellite na naka-install sa probinsya ng Catanduanes bago ang pananalasa ng super typhoon Rolly ay nasira.

Ang very-small-aperture terminal (VSAT) ay isang two-way satellite ground station na may dish antenna na kayang makapagbigay ng telecom services sa mga remote areas.

Upang masiguro ang kaligtasan ng mga personnel sa panahon ng disaster response, nakatanggap ng emergency kits ang DICT provincial offices.

(Source: PIA Albay)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -