Taliwa sa engkwentrong nangyari sa Brgy. Litos, Sulop, Davao Del Sur sa sakop ng mga armadong grupo kahapon, Mayo 6, 2022.
Ayon sa report, kahapon bandang 10:45PM ng gabi, natala ang engkwentro kasama ng 111 Special Action Command (SAC), 11 Special Action Battalion (SAB), Philippine National Police- Special Action Force (PNP-SAF) at ang mga hindi bumababa sa limang mga armado.
Tumagal ng halos 30 minutos ang nangyaring engkwentro kung saan isa ang patay na kinilalang si Renil L. Pagalan.
May dalawa pang sakop ng SAF ang sugatan na sila PCMS Mervin A. Alapan at Pat Leonardo S. Lawayan na ginagamot sa ospital.
Nakuha matapos sa nangyaring engkwentro ang Safety lever sa hand grenade, tipaka sa hand grenade na nakuha galing sa lugar. May dalawang litro ng Tanduay bottle na may lamang gasoline (Molotov improvised bomb); at iba pang bote ng paputok na armas.
Nakumpiska din ang iba’t-ibang klase ng mga armas at bala kasama na ang mga IDS na may mga addresses.
(Source: PRO XI)