30.2 C
Manila
Sunday, April 21, 2024

Iriga: Dalawang truck at isang van, sangkot sa aksidente sa Tabaco City

- Advertisement -

Dalawang truck at isang van ang sangkot sa nangyaring aksidente sa Bantayan, Tabaco City, alas dose kaninang tanghali, Pebrero 9.

Ayon kay Diana Rose Umanad, barangay health worker ng nasabing lugar, nawalan di umano ng preno ang green na truck dahilan kung bakit nabunggo nito ang isa pang truck na may kargang LPG at nadamay pa ang isang delivery van na puti.

Tumagilid sa daan ang truck ng LPG na nagdulot ng traffic sa daan.

Saad pa ni Umanad, malapit daw sa Bantayan National High School ang pinangyarihan ng aksidente at malayo pa lamang daw ay bumubusina na ang green na truck.

Samantala, kaagad naman daw tinulungan ng mga residente ang mga driver at iba pang lulan ng mga nasabing sasakyan.

“Wala naman po lubhang nasugatan, tumulong agad mga residente sa pag-angat sa driver para maialis ito sa loob ng LPG truck,” sabi ni Umanad. (Jv Navarro Verdeflor Jr. via MPS Tabaco, photo courtesy by Diana Rose Umanad)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -