Timbog ang dalawang lalaki na tulak ng ilegal na droga sa ikinasang buy-bust operation ng pinagsamang mga operatiba ng Camarines Sur PNP sa Barangay San Rafael, Bato, Camarines Sur nito lamang July 24, 2023.
Kinilala ni PMAJ JUNNY CRIS P CURBA, Hepe ng Bato MPS ang mga suspek sa mga alyas “Ongok”, 18, may kinakasama at “Budoy”, 23, may kinakasama na parehong mga residente ng nabanggit na lugar.
Ayon kay PMAJ CURBA, bandang 6:10 ng gabi ng isinagawa ang operasyon ng pinagsanib na mga operatiba ng Bato MPS at Camarines Sur 2nd PMFC sa pakikipag-ugnayan sa PDEA- Camarines Sur Provincial Office.
Nakumpiska mula sa mga suspek ang siyam (9) na piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet ng pinaniniwalaang shabu na may timbang na 1.26 na gramo na may street value na Php8,568.
Nasa kustodiya na ng Bato MPS ang mga suspek at mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang matagumpay na operasyon ng Bato PNP ay isa lamang sa resulta ng walang tigil at mas pinaigting na kampanya kontra sa ilegal na droga upang mahuli ang mga taong nagbebenta nito.
(Jv Navarro Verdeflor Jr.)
(Source: Bato MPS CSPPO, photo credits to the owner)
