Iriga: 27 anyos na lalaki arestado sa pagbebenta ng baril sa Bulan, Sorsogon

0
7

Arestado ang isang 27 anyos na lalaki sa isinagawang buy-bust operation ng pinagsamang mga operatiba ng Sorsogon PNP na nagresulta sa pagkakakumpiska sa isang yunit ng baril nito lamang July 24, 2023.

Kinilala ni PBGEN WESTRIMUNDO D OBINQUE, Regional Director ang suspek na si Aljon Sambajon na residente ng Barangay San Vicente, Bulan, Sorsogon.

Ayon kay PBGEN OBINQUE, bandang 6:00 ng gabi ng inilunsad ang operasyon ng pinagsanib na mga operatiba ng CIDG- Sorsogon PFU, Bulan MPS at Sorsogon 2nd PMFC.

Nakumpiska mula sa suspek ang isang yunit ng 9mm pistol na may trademark model 213 Noringco at may serial number na 48115279, dalawang (2) steel magazine para sa nasabing baril at labinlimang (15) piraso ng live ammunition.

Samantala, ang suspek ay nasa kustodiya na ng CIDG- Sorsogon PFU at mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Ang PRO5 ay patuloy sa mandato na tugisin ang mga taong sangkot sa ilegal na pagbebenta ng baril upang makamit ang kaayusan at kapayaan tungo sa ikakapanatag ng pamayanan.

(Jv Navarro Verdeflor Jr.)
(Source: PCADG Bicol Region, photo credits to the owner)

Leave a Reply