Bagamat inaasahan na ang pagbaba sa presyo ng produktong petrolyo asahan pa rin ang dagdag singil sa kuryente. Ito ay ayon mismo kay CASURECO III Public Information Officer Ann Iraola.
Matapos kasi na may pagtaas ng singil sa nasasakupan ng nasabing Electric Cooperative dahil nga sa patuloy na pagsipa ng presyo produktong petrolyo nitong mga nagdaang Linggo, samahan pa ng mataas na demand ng paggamit ng kuryente ngayong panahon ng tag-init, posible pang tumaas ang singil sa kuryente.
Umabot na kasi sa Php 8.7/kWh ang singil sa Residential Consumer, ang generation charge na may 59.29% sa buwanang bill.
Ibig sabihin sa bawat Php 100.00 na ibinabayad Php 59.29 ang napupunta sa Generation o Power Plant at nanatiling Php 16.02 lang ang napupunta sa CASURECO III upang mapanatili ang supply ng kuryente at nang hindi rin mabigat para sa mga gumagamit.
Paliwanag na rin ni Iraola na nakabase sila sa tinatawag na URR parang template at doon inilalagay ang lahat ng kanilang data para maggenerate ng rate kung saan nakadepende ang pagtaas o pagbaba ng kuryente at hindi kontrolado ng kanilang opisina.
Kaya paalala nito na huwag nang palagpasin pa sa due date ang pagbabayad sa kuryente o kailangan magbayad bago ang due date nang hindi na madagdagan pa. kailangan rin na maging responsable sa paggamit ng kuryente at matutunang magtipid.
Source: Bicol News