Iriga: CPSP, nagdaos ng 33d National Convention sa Legazpi

    0
    2

    Ipinagdiwang ng Community Pediatrics Society of the Philippines ang 33rd National Convention mula Mayo 21–22, 2026 sa The Marison Hotel, Legazpi City.

    Punong-abala ang CPSP Bicol Chapter sa dalawang-araw na pagtitipon na may temang “Transforming Child Health: Community Pediatrics in the Era of Technology & Innovation.”

    Dinaluhan ito ng mga medical professionals at mga stakeholders na katuwang sa pangangalaga ng kalusugan ng mga bata.

    Dumalo si 1st District Board Member Atty. Sheina Marie Onrubia-Dela Cruz bilang kinatawan ni Albay Governor Noel E. Rosal upang ipahayag ang suporta sa mga programang pangkalusugan ng kabataan.

    Tinalakay sa convention ang pagpapalakas ng inobasyon at kolaborasyon sa community-based pediatric healthcare services.

    Binigyang-diin rin sa pagtitipon ang mas pinaigting na ugnayan ng mga health professionals at lokal na pamahalaan para sa mas epektibong serbisyong pangkalusugan para sa mga bata.

    Source:, Albay PIO

    Leave a Reply