30.6 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Iriga: Camarines Sur at Albay, tanging probinsya sa Bicol na nakapagtala ng mga bagong kaso ng Covid-19 kahapon

- Advertisement -

Patuloy pa rin ang pagbaba ng mga naitatalang kaso ng COVID-19 sa Bicol region, katunayan kahapon araw ng Miyerkules, tangig dalawang kaso lamang ng sakit ang naidagdag sa rehiyon.

Visit RPN DZKI Iriga

Batay sa ulat ng Department of Health, isa sa mga bagong kaso ang nairehistro sa bayan ng Buhi sa Camarines Sur at isa rin sa lungsod ng Legazpi sa lalawigan ng Albay.

Bunsod nito, umakyat sa 59,024 ang cumulative cases o bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa rehiyon, kung saan 690 sa mga ito ang nananatiling aktibong kaso. Samantala, naitala rin ang limang mga bagong gumaling, daan upang umakyat rin sa 55,947 ang total recoveries habang nasa 33 naman ang mga nasawi, dahilan upang sumampa sa 2,387 ang kabuuang COVID-19 death toll sa Kabikolan

(Source: DOH Bicol | Bicol News & Updates)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -