Iriga: Cam Sur Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council, nasa red alert status dahil sa Bagyong Ramil

0
7

Isinailalim na ni Camarines Sur Governor Luis Raymund Villafuerte, Jr. sa red alert status ang kanilang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council kaugnay sa Tropical Cyclone Ramil epektibo alas-otso nang umaga ngayong araw.

Ayon sa direktiba ni Gov. Villafuerte, dapat mag-operate ng 24/7 ang mga lokal na pamahalaan at mga ahensyang may mga emergency operation centers sa buong panahon ng sama ng panahon.

Hiniling niya na ang lahat ng rescue equipment at response teams ay ilagay sa standby mode para sa agarang pag-deploy kung kinakailangan.

Inatasan din ang lahat ng lokal na Disaster Risk Reduction and Management Councils (DRRMCs) na isagawa ang preemptive evacuation ng mga residente sa mga lugar na delikado o maaaring ma-isolate.

Ipinag-utos ni Villafuerte ang pagsuspinde ng lahat ng aktibidad sa tubig at inatasan ang mga kinauukulang ahensya na ipatupad ang mga patakaran ng “no crossing” at “no swimming” sa mga ilog, sapa, at iba pang lugar na madalas bahain.

Sa pahintulot ng mga lokal na punong ehekutibo, maaaring ipatupad ang localized na suspensyon ng klase at trabaho kung kinakailangan, base sa kasalukuyang lagay ng panahon, upang bigyang-priyoridad ang kaligtasan ng mga estudyante, empleyado, at ng publiko sa pangkalahatan.

Source: PIA Camarines Sur

Leave a Reply