Iriga: Bong Rodriguez, pormal ng nag-file ng Kandidatura para sa Pagka-Gobernador ng Camarines Sur

0
72
photo courtesy of Bong Rodriguez FB Page

Pormal nang nag-file ng kanyang kandidatura si Bong Rodriguez para sa pagka-gobernador ng Camarines Sur ngayong araw, Oktubre 4, 2024, bandang alas 11:02 ng umaga.

Sa kanyang pagsasampa ng aplikasyon, nagbigay siya ng pangako na isusulong ang mga reporma at makabagong solusyon para sa kapakanan ng mga mamamayan. Kasama ang kanyang mga tagasuporta, ipinahayag ni Rodriguez ang kanyang layunin na dalhin ang “Iba Naman” na pamamahala sa lalawigan.

Nakatakdang maglunsad siya ng mga programa na nakatuon sa pag-unlad at kagalingan ng Camarines Sur.

(Source: Bong Rodriguez FB Page)

Leave a Reply