Iriga: Bicolano, kampeon sa 2023 National Selection Tournament ng Philippine Table Tennis Federation

0
7

Hinirang na kampeon ang Bicolano table tennis player na si Edouard Valenet Imperial sa Men’s Division ng 2023 National Selection Tournament ng Philippine Table Tennis Federation (PTTF) nitong Pebrero 22 hanggang 26 sa Puerto Princesa Sports Complex, Palawan.

Dahil dito, ang 21-anyos na si Imperial na tubong Buraguis, Legazpi City ay bahagi na ng Philippine National Team na maglalaro sa Phnom Penh, Cambodia para sa 32nd Southeast Asian (SEA) Games sa Mayo 5 hanggang 17, 2023.

Payo nito sa kanyang mga kapwa atleta, kailangan ang matinding ensayo at pagpupursige upang maabot din nila ang kanilang mithiin sa nilalaro nilang sports.

Samantala, ipagpapatuloy ni Imperial ang kanyang pagsasanay bilang paghahanda sa nalalapit na kompetisyon sa darating na Mayo.  (Jv Navarro Verdeflor Jr.)

(Source: Philippine Table Tennis Federation Inc., photo credits to the owner)

Leave a Reply