Iriga: Bicol Region, maraming pagtatayuan na Farm-to-Market Road – DA Bicol

0
4
(Photo courtesy of DA Bicol)

Isa ang Bicol Region sa tatlong rehiyon sa bansa na may pinakamalaking inilaan na pondo para pagtatayuan ng Farm-to-Market Roads, ayon sa Department of Agriculture (DA) sa Bicol.

Sa isang pahayag, sinabi ni Regional Executive Director Rodel Tornilla ng DA Bicol na maliban sa Ilocos at Western Visayas Region, isa rin ang Bicol sa may malaking inilaang pondo mula sa ahensya para pagtayuan ng Farm-to-Market Road upang mas mapaunlad pa ang agrikultura sa rehiyon.

Sa ngayon, aabot na sa 82 FMR na mayroong 77m6 kilometrong haba ang naipatayo ng ahensya sa ilalim ng pamumuno ni pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Dagdag pa ni Tornilla, 30% o P2.8-B mula sa kabuuang pondo na P6.1-B ngayong taon ay nakalaan sa pagpapagawa ng mga Farm-to-Market Roads sa Bicol.

Kaugnay nito, tiniyak ng ahensya ang patuloy na pagsasagawa ng mga FMR sa rehiyon upang mas mapalapit sa merkado ang mga sariwang ani ng mga magsasaka. (Emman Lumapag)

Leave a Reply