Iriga: BFAR Bikol nakiisa sa pagdiriwang ng 125th Philippine Civil Service Anniversary

0
7

Nakiisa ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Bikol sa pagdiriwang ng ika-125 Anibersaryo ng Philippine Civil Service noong Setyembre 5, na may temang β€œπ΅π‘Žπ‘€π‘Žπ‘‘ πΎπ‘Žπ‘€π‘Žπ‘›π‘–, πΏπ‘–π‘›π‘”π‘˜π‘œπ‘‘ π΅π‘Žπ‘¦π‘Žπ‘›π‘–: π‘ƒπ‘’π‘ π‘œ, π·π‘Žπ‘›π‘”π‘Žπ‘™, π‘Žπ‘‘ πΊπ‘Žπ‘™π‘–π‘›π‘” π‘π‘Žπ‘Ÿπ‘Ž π‘ π‘Ž π΅π‘Žπ‘¦π‘Žπ‘›.”

Layunin ng selebrasyon na bigyang-pugay ang dedikasyon, integridad, at kahusayan ng bawat lingkod-bayan mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan na nagsisilbing haligi ng maayos at epektibong serbisyo publiko.

Bilang katuwang sa pagpapaunlad ng sektor ng pangisdaan, muling pinagtitibay ng BFAR Bikol ang dedikasyon nitong patuloy na maghatid ng serbisyong may malasakit at kalidadβ€”para sa kapakanan ng mga mangingisda at kaunlaran ng pangisdaan sa rehiyon.

Source: BFAR Bicol

Leave a Reply