Saturday, May 4, 2024

Iriga: Bangkay ng lalaking tumalon sa tulay sa Naga natagpuan na

- Advertisement -

Natagpuan na ang katawan ng isang lalaki na tumalon sa Mabolo bridge sa lungsod ng Naga.

Palutang-lutang at wala nang buhay ang katawan ni Zaldy De Vera, 33 anyos nang marekober ng mga otoridad sa isang ilog sa Tarusanan Camaligan Camarines Sur.

Ayon sa inisyal na ulat ng mga awtoridad, ang biktima ay tumalon noong Abril 10 sa Bicol river sa bahagi ng Mabolo bridge sa lungsod ng Naga, na ayon sa kanyang kasamahan na si Melvin Querubin ay galing umano sila sa pag swimming sa bayan ng Balatan, Camarines Sur at pauwi na sana sila sa Camaligan.

Lulan ng motorsiklo ang dalawa nang bigla umanong pinahinto ni Zaldy si Melvin at bigla na lamang tumalon ito sa ilog.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad. (Emman Lumapag)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img