29.5 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Iriga: Anak pasado sa mechanical engineering board, jeepney driver may libreng sakay

- Advertisement -

Sa sobrang galak at tuwa sa nakaraang pumasa ang anak sa Mechanical Engineering Board Exam di na pinabayad ng jeepney driver mula Bato, Camarines Sur ang mga pasahero nito.

Sa post social media post ni Marc Cynric Baldosa Beriña laking gulat nito ng di na siya pagbayarin ng pamasahe ng jeepney driver.

“Share ko lang. Nakasakay ako sa isang Jeep, byaheng BATO. Magbabayad na ako kasi bababa na ako, sabay sabi ni Manong, “H’wag na po, Sir. Free po ito. Nakapasa anak ko sa Exam”. Pumasok agad sa isip ko ay ‘yung kakalabas lang na ME Board Exam Result. Agad ko nalang sinabi ang, “Congrats po, Salamat po”.

How happy to see a father who is very proud sa success ng isang anak!

Sa socmed ko lang ito nakikita, ngayon naranasan ko na. Iba sa feeling, lalo na makita na si Tatay na masaya, galak at proud sa tagumpay ng anak niya. ‘di natin alam ang lahat ng pagsubok pero God really bless one’s life talaga unexpectedly.

God bless po and Congratulations!

Mabuhay po ang mga Jeepney Drivers. #

Dagdag pa ni Beriña na di siya pabor sa pag phase out ng Jeepney dahil sa itinutulak ng gobyerno na na PUV modernization program.

“Mabuhay po ang mga Jeepney Drivers.” (Jv Navarro Verdeflor Jr., photo courtesy of Marc Cynric Baldosa Beriña)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -