Iriga: Albayano Youth, kinilala ng Pamahalaang Lokal kasunod ng tagumpay sa 72nd 4H National Convention

    0
    8

    (Legazpi City, Setyembre 17, 2025) Kinilala ng Pamahalaang Lokal ng Albay si Wilfredo V. Bonaobra Jr. ng Tabaco City matapos siyang tanghalin bilang Most Outstanding 4H Member sa 72nd 4H National Convention na ginanap noong Setyembre 3–5, 2025, sa Camp Benjamin, Alfonso, Cavite.

    Nagbigay ng Certificate of Recognition ang Pamahalaang Lokal ng Albay, sa pangunguna ni Governor Noel Ebriega Rosal, at ang Albay Provincial Agricultural Office na pinamumunuan ni Provincial Agriculturist Cheryll O. Rebeta, bilang pagkilala sa kanyang natatanging tagumpay ang.

    Itinanghal si Bonaobra sa 72nd 4H National Convention bilang unang Bicolano na nagkamit ng prestihiyosong pagkilala.

    Ang kanyang tagumpay ay nagdala ng karangalan sa Albay at sa buong Rehiyong Bicol at nagsilbing inspirasyon sa mga kabataan na tangkilikin ang larangan ng agrikultura.

    Source: Albay PIO

    Leave a Reply