Puspusan na ang paghahanda ng lokal na pamahalaan ng Albay sa pamamagitan ng Albay Provincial Agricultural Office (APAO) para sa gaganaping Agri-Fiesta 2026 sa darating na Mayo 28 – 29, 2026.
Sa ilalim ng temang “Enhancing Productivity of Farmers and Fisherfolk Towards Resilience Amid Crises and Calamities,” layon ng aktibidad na kilalanin ang mahalagang kontribusyon ng mga magsasaka at mangingisda sa lalawigan.
Gaganapin ang malaking selebrasyon sa AFBVille Compound, Cabangan, Camalig, Albay.
Kabilang naman sa mga nakahanay na gawain ay ang, Trade Fairs, Laro ng Lahi at Cash at Input Distribution.
Isa sa mga pangunahing itatampok ng okasyon ay ang re-launching ng programang “Go Green, Grow Green Albay” (G4AP) cum HAPAG Season 4.
Ito ay inisyatibo sa ilalim ng administrasyon ni Governor Noel E. Rosal, katuwang ang DILG, upang paigtingin ang seguridad sa pagkain at isulong ang sustainable food production sa bawat barangay.
Source: Albay PIO
