Iriga: Albay Park and Wildlife, nagbukas ng bagong atraksiyon sa publiko

    0
    7

    Kasabay ng patuloy na pagtaas ng bilang ng mga turista na bumibisita sa AlbayPark AndWildlife (APW), isang Rabbit Garden ang binuksan ngayon sa publiko bilang bagong atraksiyon.

    Ayon kay Dr. Franz Villamer Colambo – APW Park Manager, ang bagong set up na ito ay nagbigay ng mas maluwag na espasyo para sa mga kuneho.

    Matatandaan na mula sa kani-kanilang hawla at inilalagay sa children’ playground, ngayon ay malaya na silang nakakatakbo at maglaro sa nasabing garden.

    Ito ay magsisilbing interactive activities, lalo na para sa mga bata na nais o nagsisimula pa lang mag-alaga ng mga rabbits, sapagkat maaari nilang hawakan, pakainin at makasalamuha ang mga ito.

    Source: Albay PIO

    Leave a Reply