Iriga: 9 Albayano, pinarangalan sa Young Farmers Challenge Awarding 2025 ng DA

0
10

Siyam (9) na kabataang Albayano ang tumanggap ng parangal sa ginanap na Young Farmers Challenge (YFC) Program Awarding ng Department of Agriculture (DA) Regional Field Office (RFO) 5, sa Villa Caceres Hotel, sa lungsod ng Naga.

Hinirang na YFC Regional Upscale Awardee si Roberto O. Diesta na nakatanggap ng ₱300,000.00, habang kinilala naman sina Pherlyn B. Mendiola at Edmark O. Mapa bilang YFC Regional Start-Up Awardees at tumanggap ng ₱150,000.00 bawat isa.

Kasama rin sa mga pinarangalan sina Rolly N. Oaperina, Edgar C. Paja Jr., Aleihs Marie B. Nabor, Donna Mae O. Alzaga, Nhesrene B. Barnido at Ma. Rosie B. Pranada bilang YFC Provincial Start-Up Awardees na nakatanggap ng ₱80,000.00 bawat isa.

Nagpakita naman ng buong suporta ang Albay Provincial Agricultural Office (APAO) sa pamamagitan ng pagdalo nina Provincial Agriculturist Cheryll O. Rebeta, Administrative IV Maria Mercedes Verga, Senior Acquaculturist Grace Teaño, at Provincial Agribusiness Coordinator Engr. Daphne M. Segubiense sa nasabing aktibidad.

Ang awarding ay bahagi ng YFC Summit na isinagawa ng DA RFO 5 sa pamamagitan ng Agribusiness and Marketing Assistance Division (AMAD) na may layuning kilalanin ang mga natatanging kabataang agripreneur sa rehiyon.

Source: Albay PIO

Leave a Reply